IDOL'S World

IDOL'S World
coming soooooooon!!!

Wednesday, June 30, 2010

Klasmeyt of the Month

:D...Unang araw ng buwan...9:00 am na dito sa Middle East... kalalapag ko pa lang ng gamit ko sa mesa ko...eto at kabubukas ko pa lang ng KOMFUYTER...hmmmm...kunyari check ng emails ng mga clients...open ng documents...pero eto...open ulit ng bagong window...at ano pha nga ba!!!...check muna bago chismis sa FB...hehehe...wala naman bago news...puro ka -TEH-TE-AN lang tungkol sa BAGONG PRESIDENTE!!!...para namang may mag-babago pha nho!!!...hehehe...ibang istorya na yhun!!!... :)

Balik tayo sa topic...Every month plano ko...as if may plano nga!!!...hehehe...rephrase!...:D

Every month TRIP ko pumili ng Klasmeyt of the month...pano nga bha!!!...yung mga klasmeyt na madalas ko naa-alala pero wala naman konek sa akin...o sa amin...directly... Mga ESPEYSYAL na klasmeyt!!!...Kung baga sa ice cream eh .... Flavor opdi Month!!!...hehe... madami din naman sana...SANA lang ha!!! :)...mga klasmeyt na pede i-feature perp syempre merong dapat na STARTER!!!

At eto ang starter na Klasmeyt of the Month ko!!!...si Ms. THERESA LAZARO...pipili na rin lang ako ng starter eh di yung DA-MAGANDS nha!!!...hehehe

Personally...nung hayskul...ende kami magkakilala...ni minsan ende ako nagkaroon ng opportunity na makasama cya sa isang home room...cguro ende nga niya alam na nag-e-exist ako eh... inilalayo lang cguro siya ni Lord sa mga taong may SAYAD sa utak gaya ko!!!...hehehe...tekhaa!...pero kung ganun...Bakit naging klasmeyt nya si IDOL???...hehehe

Anyway...hay-way!... first year pa lang...iba na talaga ang dating nya sa akin!!!...or better yet sa amin!!!... syempre bagong salta ko nun sa SJA... obserber ang drama ko nun!... pero pag nag sama sama na ang mga dating kabarkada ... isa lang ang topic pag GANDA na pinagusapan!!!...si MOTHER!!!...at si Thess nga yun!!!... eh ano pa ba ekspek nyo na topic about her???... eh kapanahunan ng NAGWAWALANG mga HOROMONES yun nho!!!...hehehe

Ende ko lang alam kung na-aalala pa niya...pero may isang beses ko lang siya nakausap... second year na ko nun...kalalabas ko pa lang ng classroom.. itinatanong niya sa akin kung nasa loob pa yung isang dabarkas niya!!!...pero talagang ANG TANGA TANGA KO talaga ever!!!...isnabero ang pa epek ko!!!... alam ko napahiya sya...at ako naman...na tameme!!!...SAYANG to the MAX!!!...pagkakataon ko na sana makilala cya nun... kaya cguro mula nun...ala na reason para makausap ko man lang cya kahit kwentong barbero lang!... :(( MALAS!!!...hehehe

So ano pa nga ba ang mangyayari...eh di look na lang ng look from a distance ang drama!!!...hehehe... during PE...pasimple na tumititig...hehe...dun ata nahasa ang GIRL WATCHING skills ko eh...LUK N LANG NG LUK pero WA TOUCH!!!...hehe... minsan may kalokohan kami ginawa ni Jay Dominic...pumasok kami sa room nun kung san nila iniiwan yung mga uniform nila pag naka-pang PE...then start namin amuyin ang mga uniform ng girls...may pagkamanyakis din yung si Jay D. ende nga lang halata!!!...hehehe... so sino pa nga ba ang una kong hahanapin...yung kay Theresa...at grabhe...ang bango!!!...ano pa nga ba ang ekspek mo nho!!!...hehehe

Ano pa ba ang na-aalala kay Ms Thess...hmmm...ahhhh...fan cya nun ni Dingdong Avansado!!!...ende naman literal...bakit...kasi ang trip niya lagi nun... TATLONG BENTE SINGKO!!!...madalas pag may pagkakataon lagi cya nasa pay-phone!!!...fourth year na yata nun!!!...ende nga kami makasingit ni Manoy ng minsan nid namin gamitin ang payphone eh...hehehe

Tekhaaa...ano p bha...magaling syang magtaas ng kilay...magaling siya sa volley ball...kamukha niya si PHOEBE CATES sa TV series na LACE...perpek sa alryt ang legs nya...hehe... magaling sya magdala ng damit...minsan nga...may happening nun sa iskul...uwian portion nha...nasa labas na ang buong barkada...eh naka micro mini si Theresa nun...syempre...abang to the max pag umakyat sya ng owner di bha!!!...pero grabhe!!...napahanga niya ko nun ng todo...as in!!...close buk ang mga legs nya ... pull up ang trapal ng owner ...then pasok sa upuan ng walang kahirap hirap!!!...napurnada na naman ang PANTASYA ng mga ugok!!!...hehehe

Syeeeet!!!...ang dami ko pa sana pede ikuwento...kaya lang humahaba na ito...at need ko ng maghanap buhay!!!...baka bigla ko ma-deport pag nahuli ko ng amo ko!!!...hehehe

In sum...isa lang ang tiyak ko about sa character ni Theresa kahit ende pa kami nagkasama nun...Mabait sya at isang mabuting kaibigan...kita naman sa group of BEAUTIFUL friends nya eh!!!...ano man ang mangyari Mam...ako ang no. 1 fan mo!!!... pa AUTOGRAPH naman!!!...hehehe

Oh pano na...galit galit na muna!!!... next time iba naman ang pag-ti-tripan ko!!!... watch out!!!...hehehe


OPLAN: PANGALAN...Mga Natatanging Code Names

Di ba mas madaling matandaan ang isang tao kung meron kang kakaibagang natatandaan o pagkaka-kilanlan sa kanila....minsan...i-describe mo pa lang ang mga nakakatawang pangyayari tungkol sa isang tao eh agad mong na-i-re-recall ang pangalan nya at maalala mo agad kung sino siya... ganun din nung nasa SJA pa kami...Merong mga alyas na pag binangit mo pa lang sa oras ng mga kwentuhan...ma-a-alala mo agad ang mga kwela at minsan kainis na karakter nung nasa high school... isa-isahin ko ha...pero bago ang lahat...isang PAUNAWA...sa mga bumabasa nito...as usual...KATUWAAN LANG PO!!!...kung pikunin ka...ngayon pa lang eh...MAG LOG OUT ka nha!!!...hehehe

Oh GAME!!!

Gori - Gerardo Honra...bakit???...kc balbonic ang GANDANG LALAKI ni Gerry!!!...hehe

Ms T. or T-Backs- Sonia de Guzman...cya nag nagmulat sa mga inosenteng pag-iisip namin ni bespren na...sexy pala talaga ang babaeng nka THONG!!!...hehe

Bumbay- Ismael Lapuz...ende kami ang nagbansag nun ha!...dumating ako sa SJA ganun na twag sa kanya nho!...hehehe...ende na rin cguro dapat i-explain kung bakit!!...hehe

Mr. Paks- Andres Pacalda...nick name na bigay ni IDOL nung nasa 4th year na kami...hehe

Alyas: Mother- Theresa Lazaro...isa sa mga paborito kong bansag...na kahit hanggang ngayon ginagamit pa rin namin pag nagkikita-kita kami ...at syempre...si ms. maganda ang topic...bakit mother???...ashuuuss...eh di galing kay MOTHER THERESA!!!...hehehe

Siopao- Roland Santos... bro ni Ronald Santos...isa sa Alega ata ang nagbansag sa kanya nun...hehe

Labo- Ronald Santos...meron kasi konti eye depek si Ronald...madalas ko marinig na tinatawag cya nun pag nasa basketball court... :)

Bookies; Kabisote Espesyal- Florante Lateo... hayup sa pag me-memorize ang ginagawa niya nung high school...ang kwela nga lang...pag sa recitation...kabisado niya libro...pero sablay nga lang ang sagot sa mga questions...hehehe...pero in fairness...nagamit nya yun...kabisado na niya ang MALE ANATOMY...kc... DOKTOR na cya ngayon!!!...hehehe

Papa Con- Conrado Sta Ana...tawag ng buong barkada kay Jun-Jun!!!...hehe...cya kasi ang pinaka YOUNG looking nun...tska high school pa lang...Driver Sweet Lover na cya!!!...hehe

Boy Sadista- Renato Liquido...yhan ang trip na tawag namin nun k IDOL!!!...may pagka sadista talaga cya nun..lalo na pag may pi nang-GIGILAN pag tripan...tyak...IIYAK!!!...hehehe...sabi nga ni Mr. Pacalda..."Renato!..you are so rude!"...hehe

Meduza- Melisa Marques?...ende ko ma-alala kung yun ang surname nya eh...basta ang alam ko...ang nagbigay sa kanya ng nick name na yun...eh c IDOL!!!...hehehe

Lala Montelibano- Everette Evangelista...isa sa mga paboritong bansag namin ni IDOL!!!...madalas cya pa rin ang topic namin pag nag-jajaming kami...STing ST kasi si IDOL sa kanya nung hayskul...hehehe

Cutie Pie Sungit- Joyce Aldana- bansag namin ni bespren... ang lalim kasi dimple...pero...madalas kami sungitan...hehe...cguro...na tymingan lang namin nun period niya!!!...hehehe

Pusa/ Mimyaw- Mary Rose Rivera- Ende ko lang sur kung sino nag bansag sa kanya nun...pero...nung maging klasmeyt ko cya...ganun na tawag sa kanya...meron kasi syang cute na...whiskers...hehehe

Tae- Percival Cabrera...ang hirap i kuwento ng origin!!!...ang dami kasing version kung bakit eh...hehehe...basta ng maging barkada na kami ni Bobot ganun na ang tawag ng ALEGA sa kanya!!!... medyo bad trip nga lang pag natatawag cyang ganun!!!...lalo na nung nasa Greenhills!!..hehe

Ms Mayor's Pet- Dante Maldia...tanda ko nung 3rd year...cya ang pinaka paborito ni Ms Mayor...PAGTRIPAN!!!...kenkoy din kasi ang matandang yun...kaya madalas OUT-STANDING student si Dante...as in ...sa OUT ng class cya naka STAND!!!...hehehe

Tekha ngaaaa!!!....napapagod n ko mag type...balik na ulit muna maghanap buhay...akala kasi ng amo kong puti... marketing plan ang tinititra ko sa komfyuter!!!...hehehe...lagyan na lang natin ng PART II ito ha!!!

Pano mga klasmeyt!!...sa uulitin ha!!!... hehehe


P.S.

yung mga gusto mag re-ak...email nyo na lang ha!!!...pag sa simula pa lang ng sentence nyo eh...galit na kayo...ENDE KO NA BABASAHIN!!!...hehehe





Monday, June 28, 2010

TOP TEN REASON...BAKIT GINAWA ANG BLOG NA ITO!


10. Mas may karapatan akong OKRAYIN ang mga klasymeyt ko kasi...BLOG ko to!..hehe

9. Gusto ko mag-PA-PANSIN sa LABS ko nung high school...hehe

8. Blog para i-kampanya si IDOL sa susunod na halalan!!!...hehe

7. Sa BLOG walang censorship sa mga topic ni IDOL na puro KABASTUSAN!!!...hehehe

6. Matagal ko ng plano ito...ngayon lang ako NATUTO mag computer!!!...hehe

5 Nauubusan na ako ng napa-pag tripan pag NAKA-DRUGS ako!...hehehe

4. Wala na ako iba maisip na isulat sa post na ito kaya idinag-dag ko na lang ang no.4...hehehe

3. Para may mabasa naman kayo na KAKA-IBA...tyak either nka-ngiti kayo o NA-BABAD TRIP na kyo sa KALOKOHAN ko!!!...hehehe

2. Kinukulang ang spaces ng post ko sa FACEBOOK!... dapat mas maraming KALOKOHAN!!!...hehe

1. Palusot pa ako...NAGULPI ako ng ASAWA ko kasi nahuli nya akong naki-kipag ligawan sa FACEBOOK!...kaya nag-BLOG na lang ako...hehe
















Sunday, June 27, 2010

Jamer 89 Ako!


ITEM:

Saint James Academy, Malabon City, Batch 1989...

No. of Graduates:

Ende ko ma-recall...kayo na ang magbilang!

Batch Description:

Karamihan ng mga chicka-babes (girls) namin MAGAGANDA at SEXY!... meron ding Magaganda...ang mga UGALI...at yung iba naman sa halip na sexy ... SIK-SIK!!! :D

mga chickos naman (boys) marami ding guwapo!...yung iba CUTE lang...sama na kami dun!!!...hehehe

Yung karamihan...MABABAIT...yung iba naman...walang ginawa kundi MAMBAIT!!! :D

Lumaki sa panga-ngalaga ng mga MADRE...kaya after high-school... bigla NAGREBELDE!!!

Matalinhagang Kasabihan ni IDOL:

"BASTA JAMER...SWEET LOVER!!!"... kaya ang mga Jamer na lalaki...ang daming "CAREGIVER"...yung iba ayaw lang umamin!!!...hehe

Ang dami pang MASASABI...pero para sa akin..eto kami!...ASTIG!!!

At bakhet???

ASTIG ; pronounced as ASH-TEEG...used to describe anything cool, bad ass, awesome...
derived from the root word TIGAS... anything hard or tough... TIGASIN!!!; in fashion...cool, hip and extremely fashionable;

ASTIG; UNIQUE...probably our best description!

Welcome sa mundo ko...mundo natin...mundo ng JAMER 89...

KULITAN, BIRUAN, KATUWAAN at OKRAYAN lang po ang blog na ito...

yung mga sobrang seryoso sa buhay... Manila Bulletin n lang ang BASAHIN NYO haaa!!!...hehehe