IDOL'S World

IDOL'S World
coming soooooooon!!!

Friday, July 9, 2010

SI IDOL AT SI AKO!

IDOL's Inspirational High School Quote:

"Renato...you are so RUDE!!"
- Andres Pacalda, Circa 89

Ang sagot ni IDOL : Thank you sir!!!...hehehe (ende nya kasi alam pa nun ang ibig sabihin ng RUDE eh!!!...hehe)

Wala na ata akong mas makikita pang mas ASTIG kay IDOL nung mga hayskul pa kami!!!... kulang na lang ipag patayo siya ng monumento sa SJA pag ang paguusapan na kategorya eh, KA SADISTAHAN, KAMUNDUHAN at KALOKOHAN!!!...whaaaaa!!!...hehe...minsan nga gusto ko pag tripan na gumawa ng libro o BLOG na naman tungkol sa taong ito eh...kaya lang...wag na lang kaya muna!!!...baka mabasa kasi ni Cobra Kumander...mabuko pa cya sa mga CAREGIVER nyhaaa!!!...hehehe

Napakatagal nha...as in!!!... sobrang tagal na kami magkakilala ng mokong na 'to... :)... since 1977 pa yata.. bagong lipat kami sa Merville Tanza nun...cya agad ang pinakauna kong naksama...cyempre..., pag bagong salta...cya ang madalas pag-tripan...at ako yun!!!...hehe... kaming dalawa ang pinaka batang lalaki nun sa lugar namin pero ang mga kasama namin eh ...yung mga TIN-EYJER...utol nya at iba pang mga kalaro namin... madalas pag wala magawa ang mga nakakatandang mga UNGGOY...kami ang pinag-titripan...hehe...kaya cguro nung si IDOL naman ang tumanda...ganti ganti lang!!!...hehehe

Noon...medyo may kahigpitan ang mga ermat at erpat ko...(para namang nagbago nho!!!..hehe)... ende ako pede maglalayo sa amin kaya ang karaniwang hang out ko...bahay nina IDOL...magkaharap lang ang mga bahay namin...updated si IDOL sa mga laruan nun...Voltes V, Mazinger Z at Diamos Robot...pati na yung mga commando na tao-tauhan... kumpleto!!!... yun ang madalas namin pag-tripan... minsan...pag wala magawa... nangungulit kami ng mga kalaro naming babae...si RHODORA ARANILLA ang isa sa pinaka madalas naming goyo-in!!!...hehe

Sabay din kaming nagsimula ng kinder...sa ICPS cya unang pumasok...kahit dun...cya pa rin madalas ang nakaka jamming ko...lumipat cya ng Saint James pagkatapos nun.

Ang dami naming pinagsamahan na KAKULITAN at KALOKOHAN bago pa kami mag tin-eyjer...pero...cya ang PROMOTOR ha!!!...hehehe..eto...isa isahin natin ang mga HAYLAYTZ!!!...

- Si IDOL ang nagmulat sa akin sa KAMUNDUHAN...hehehe...meron kasing mga PLAYBOY at HUSTLER magazin nun na itinatago ng utol niya...ng malaman namin ang pinagtataguan...SCORE agad!!!...pasimple na dinadala namin sa bodega tapos dun namin titingnan ang mga pektyurs!!!...hehehe

- Si IDOL ang kakunchaba ko pag tumatakas ako sa BILIBID at wala ang mga PARAK!!!...hehe...Bilibid kasi ang tawag ni IDOL sa bahay namin...at parak naman ang mga erpat at ermat ko...pag kelangan ako umalis...sya lang ang gagawin kong sangkalan!!!...hehe

- Si IDOL ang nagturo sa akin na MAMBOSO!!!....whaaaaa!!!...hehe...yung katulong nila ang una naming tinarget pag naliligo!!!...hehehe...aakyat kami sa lababo na malapit sa bintana ng banyo nila...grabhe nga ang kaba ko nun lagi eh!!!...pero si IDOL...pa easy- easy lang!!!...hehehe...kaya madalas nun...cya ang may KULITE!!!...hehehe

- Si IDOL ang nag-introdyus ng maraming bagay sa akin...Monopoly, Chess, BARAHA ...lucky nine, black jack at kung pano mang-daya sa TEX!!!...hehehe...meron sya nung baraha o tex na iisa ang mukha...kaya CHA man o CHOB...panalo lagi!!!...hehehe...kung ende nyo alam ang larong ito...I-RESEARCH nyo na lang sa INTERNET...chek nyo kung may makukuha kayo!!!...hehehe

- Si IDOL ang una kong naka-jamming sa unang stick ko ng YOSI!!!...hehehe...open kasi sa bahay nila ang sigarilyo nun...Nag yoyosi kasi si Tatay Rene at pati na rin si Ewol... kaya pag meron pagkakataon...lalo na pag kasama ang mga ka-tropa sa kalye... ISMOKING EKSPERIMENT TAYM!!!...hehehe

Nakhuuu!!!...sa kalokohan at ka wirduhan...ang dami pa kaya nho!!!...pero tyak ko...kayo na nagbabasa nito...lalo na yung mga naging klasmeyt nya nung elementary...marami din kayong NAPULOT na MAGAGANDANG KAALAMAN kay IDOL!!!...hehehe...Ng magkasama ulit kami ng hayskul...mas dumami pa ang mga MIS-ADBHENTYURS namin kasama ang ibang mga kolokoy!!!...hehehe

Sa KA- ASTIGAN ni IDOL...lalo na kayong mga klasmeyt namin... witnes kayong lahat sa mga KAHINDIK HINDIK na mga pangyayari...sa loob man o sa labas ng campus ng SJA...pero gaya nga ng nabanggit ko...sa post ko tungkol sa ALEGA...ang pagiging TIGASIN ni IDOL...may katapat ding SOFT SPOT!!!...hehe

NOTE: alam na ni IDOL na iba ang SOFT SPOT sa G-SPOT!!!

2 kuntinyu!!!... :)

Kung soft spot naman ang pag-uusapan...marami nyan si IDOL... kung ang iba nasa loob ang kulo...si IDOL...hmmm...tekhaaaa ngaaa!!!... KULO pa rin ang NASA LOOB!!!...hehehe

Pero seryusli...si IDOL marami ding MABUBUTING KATANGIAN na itinatago...madalas nga lang ayaw gamitin...gusto nya ITAGO na lang!!!...whaaaaaa!!!...hehehe

Chige na nga!!!..ILABAS ko muna!!!...isa isahin natin!!!... :)

- Si IDOL ay MAPAGKAWANG GAWA!!!...sa ingles eh...TSARITABOL!!!...hehe...madalas nun pag bumibili kami ng pagkain...minsan burger, tinapay o kaya donat...at may lalapit sa aming mga bata...tyak...kasama na sila sa order...kaya cguro ende cya nauubusan ng pera...kasi nga mga bata pa kami yun na ang nakagawian nya...at...minana ko rin naman sa kanya ang pagiging TSARITABOL... :)... yung nga lang...ang mga pinagbibigyan kong mga BATA...yung mga BATANG BABAE not younger than 18 but not older than 25!!!....whaaaaa!!!...D.O.M!!!...hehehe...

- Si IDOL ay PALA-SIMBA!!!... twing Linggo nun ende nakakalimutan ni IDOL mag simba...tyak ko na ende tulad ng iba ng mga tin-eyjer nun...sumisimba lang para pumorma o kaya mang hunting ng CHICKS...(tekhaa ngaa...yung mang -hunting ng CHICKS ende din naman masyado masama!!...hehe...DEPENSIB!!!...hehe)...ang karaniwang porma ni IDOL nun pag sumisimba...Tshirt....Maong...at Tsinelas...pero wag ka!!!...pag nakaTSINELAS si IDOL...with matching PEDEKYUR!!!...hehehe

- Si IDOL ay MAGALANG sa MATATANDA!!!... nung mga bata pa kami...ende ako masyado gumagamit ng PO at OPO...na hawa nga lang ako dito kay IDOL...pag kumaka-usap cya ng mga nakakatanda sa kanya...ende niya nakakalimutan gumamit ng po o kaya opo...medyo naging kalokohan na nga lang pag sinasabi nya yun gamit ang ibang boses!!!...hehe...sayang ende ko kayang idescribe kung pano eh...pag nakapa-bidyo-blog na ko...i-de-demonstreyt ko na lang!!!...:)

- Si IDOL ay ISANG TUNAY na FAMILY MAN!!!... kung meron dapat ipagmalaki ang pamilya ni IDOL...eto na yun...ende basta basta nadadala si IDOL sa TUKSO...sa totoo lang...yung mga biruan namin tungkol sa mga CAREGIVER nya...hanggang JOKZ na lang yun...isa siyang FEYTPUL na asawa at ama kay Izzy!!!...

Commercial muna...

The statement mentioned above is a PAID ADVERTISEMENT from the friends of Renato Liquido...whaaaaaa...hehehe

- Si IDOL ay ISANG MABUTING KAIBIGAN!!!... madami pang magagandang karakter treyts si IDOL...kaya lang eto cguro ang DA BES nyang ugali...pag KA-TROPA mo si IDOL...SEYP ka na sa lahat... SEYP...(as in SAFE)... pag may kailangan ka...kahit ano pa yun basta kaya nya...anjan sya para sa isang kaibigan!!!... nung hayskul meron madalas na mag-trip sa akin...(dahil ata sa bebot yun o kung ano mang dahilan ende ko na nalaman!! )... Nalaman in IDOL na nababanatan ako ng patalikod...yung bang UPAK sabay takbo...may hinala si IDOL kung sino...minsan na ende ko ini-eskpek...lumapit sa akin si IDOL...sabi nya..." OK na Tol,...naiganti na kita"...nabalitaan ko na nga lang na may naupakan sa Concepcion... iba talaga si IDOL!...pag KAIBIGAN ka nya ende ka nya basta basta pababayaan...Mala BINOE ang dating!!!...hehehe

Ang dami pa pede sabihin na magagandang bagay tungkol sa IDOL natin...kaya lang...NAPAPAGOD na ko ka ta-type nhoooooo!!!...ang haba na kaya nito!!!...hehehe...yung mga ibang bagay tungkol sa kanya...tiyak mababasa nyo din sa ibang pang mga TOPICS sa BLOG na to-its!!!... :)

Sa pagtatapos...

Mahabang panahon na nga ang pinagsamahan namin ni IDOL...tapos...nagkakasama pa rin kami kahit dito sa ibang bansa...milya milya ang layo mula sa Malabon na kinagisnan namin... tuloy pa rin ang PAG-KA-KAIBIGAN...medyo may pagka wirdo nga lang ang paraan ng paguusap namin!!!...pero dun na din ang bagsak nun...yun ang trip nya eh!!!...hehehe

Si IDOL at si AKO... tiyak ko din...kahit ende kami madalas magkasama...magkikita pa rin kami hanggang FINALS!!!...hehe...ok bha IDOL!!!

PS

.....


.....


....


....


....


....


....


....


....


IDOL!!!... 5,000 dirhams ang PR fee ko sa pag build up sa yo ha!!!...paki padala mo na lang sa account ko sa Mashreq Bank...pede mo rin i-convert sa dollars!!!....hehehehe